Birthday kahapon ni ‘Somebody that I used to know’.
Pano nga ba kami naging parang stranger na lang sa isa’t isa eh dati naman close kami. As in, super sagad close. Sino nga ba ang may kasalanan? Sino bang nagkulang? Eh ang ganda ng simula namin..
Grade 6 ung batch ko, 1st year sila nung pumasok siya sa school namin. Tinuro siya sakin ng Bestfriend ko na guy, crush daw niya. Ilakad ko raw siya. Kaso ako rin takot kay Somebody that I used to know nun eh, maganda kasi ung tipo na ang daming nagkakagusto. Parang ang hirap abutin. Hahaha. Nagkataon na ung mga kabatch niya na friends niya, eh close ko rin, kaya madali lang na malakad ko ung Bestfriend ko kasi pwede ko ng kaibiganin si STIUTK(Somebody That I Used to Know, haba eh.) Hindi nga nagtagal naging close ung group of friends niya, saka ung group of friends ko. Nalalakad ko na ung Bestfriend ko sakanya. Bago ata kami mag 1st year nun, binasted niya ung Bestfriend ko, bata pa raw kasi, pero alam ko gusto niya na rin ung Bestfriend ko nun eh. Kala namin nun wala na talaga.. At nung nag1st year na kami, naging sila(Bestfriend ko and si STIUTK) rin. Ang haba ng love story nila, ang gulo nila pero ung ending nila, break-up pa rin. Parehas silang napagod intindihin ung isa’t isa.
Dun pumasok sa story ung isa kong kaibigan. Nagkagusto ung Bestfriend ko sa kaibigan ko, eh si STIUTK may gusto pa ata un sa Bestfried ko, at si STIUTK ung gusto ko para sa Bestfriend ko kasi alam ko ung pinagdaanan nila, ung hirap na pinagsamahan nila. Eh wala eh, nagkakagustuhan na ung Bestfriend ko saka si friend na isa. Hanggang sa dun nagsimula ung away..
Hindi ko na alam kung san na nagsimula ung away, kung ano nangyaring at naging ganun. Basta, isang araw nagkaron na ng kampihan. Ung mga kabatch ni STIUTK na close ko pati siya VS ako, Bestfriend ko at ung friend ko nga na isa. Nagkapalitan ng mga masasamang salita, nagkaiyakan. Lahat lahat na. Natapos lang nung pinag-usap kami ng Adviser ng batch namin.
Dun na nag-end ung magandang samahan namin. Yes, friends parin kami hanggang ngayon, pero hindi na naibalik ung closeness. Sa haba-haba nung hirap na pinagdaanan naming lahat hindi namin nakayanan ung away na un. Siguro nga hindi ganun naging kalakas ung pakikipaglaban namin para masave ung friendship. Pare-parehas kaming napagod.
Pero kahit ganun ung nangyare, isa un sa mga bagay na pinagsisisihan ko. Mali pala, un ung pinakabagay na pinagsisishan ko. Ung hindi ko nasave ung friendship namin. Kung hindi sana namin pinairal ang PRIDE at nagsorry na agad sa mga pagkakamali namin, eh di sana ngayon okay pa rin kami, wala sanang nagbago.
Sobrang natutunan ko sa nangyari, eh dapat unahin ung pagkakaibigan kesa sa kahit anong bagay. At ung PRIDE na tinatawag, nilulunok dapat yan walang magandang mangyayari kung puro pride ang paiiralin. Kaya ngayon, mas tinitreasure ko na ung mga kaibigan ko. Mas iniintindi ko na sila, mas pinapalawak ko ung pasensya ko sakanila.
Hayyy, sa totoo lang. Sobrang namimiss ko na si ‘Somebody that I used to Know’. Layo niya na. Out of reach na. Hindi na maabot. Parang nung simula lang. Hanggang ngayon, ang hirap parin niyang abutin.

Yan nga pala si ‘SOMEBODY THAT I USED TO KNOW’
Kinuha ko lang yan sa mga photos niya ng walang paalam. Hahaha! Hayaan na, hindi niya naman siguro makikita tong blog ko na to. HAHAHA! =))
Habang naghahanap ako ng palabas kagabi dahil di pa ko inaantok. Nadaanan ko ung palabas na Smash. Si Katharine McPhee ata ung bida. Kinakanta niya ung may lyrics na Light up.. Light up.. Blahblah. Ang ganda ng boses niya. Ang angelic ng voice. Hahaha. Crush ko na siya. :) —wala tong connect. Hahaha. NaLSS lang ako sa kanta niya.
Mga 12 o’clock na ata un, ngtry na kong matulog. Mga 1:30 nakaidlip ata ako, huling tingin ko kasi sa fone ko mga 1:26. Tas mga 2:30 nagvibrate at tumunog ung fone ko. ALAM NA! Nagtext ang crush ko! Hahaha. Hirap na hirap akong makatulog tas isang text lang niya nagising ang katawang lupa ko, wala namang pagasang makatext ko siya eh pero nagising parin ako. Hayyy, paginlove nga naman. Hahaha.
Nakatulog na ko ulit mga 5 na siguro. Tas nagising na naman ng mga 8. Tas idlip, gising ng 11! At dun na nagsimula ang nakakatamad kong araw. Badtrip ako paggising ko, syempre. Kulang ako sa tulog! At isa pa sabi ko kay Mommy bili siya pandesal, hindi ako binilihan! -___-
Sooooo, ang May 12, 2012 ko ay mejo badtrip. DAHIL LANG SA INSIDIOUS! Hindi ako makatulog kasi naalala ko ung every scenes dun na halos mamatay-matay ako sa takot! Hindi ko nga alam kung pano ko nakayang tapusin un eh. Hayyy.
Anyway, nagtext parin ang crush ko! Naging maganda ang araw ko kahit konti! :”>
Sisimulan kong ayusin tong tumblr ko. Idedelete ko lahat ng nireblog ko na mga wala lang na pics. Hahaha. Pag-aaralan ko kung ano ba meron dito. Kahit walang nagbabasa, magsstart akong magblog.
Dahil sa isang TAO.. :)
Para kong stalker niya. Hahaha. Pero ang sarap ng feeling kahit di niya ko kilala eh napapakilig niya ko.. :”>

MAMA! Magchristmas na! Asan ka na?
Dali. Magpakita ka na.
MISS NA KITA. </3
Naalala ko lang.
Magpapasko na, wala si Mama.
Dumaan ung 17th birthday ko, wala si Mama.
Dumadaan ung mga araw, wala si Mama.
Dadaan ung mga araw, ako na lang mag-isa.
Naalala ko lang.
Nung unang araw na iniwan niya ko, September 24, 2011.
Akala ko hihintayin niya pa ung Pari.
Akala ko hihintayin niya pa ko.
7:00am, Ginising na ko ni Mommy, pumunta na raw ako dun, para tulungan ko sila Tita na ayusan si Mama, kasi ung Pari dadating na. Pero nakatulog ulit ako, nagpuyat kasi ako nung gabi eh. Nagising na lang ulit ako, 8:00am, Tumatawag si Mommy. Sabi niya lang sakin, “Beh, bilisan mo. Tulungan mo silang mag-ayos kay Mama.” Eh di kahit papikit pikit pa ko, tumayo na ko. Kinukutuban na rin kasi ako. Pero wala, ang bagal parin ng kilos ko. Naghilamos, toothbrush, nagtimpla ng kape, nagsuklay, nagpalit na damit. Habang nag-iinarte pa ko sa bahay, dumating na si Daddy. May tumawag sa fone, sinagot ni Daddy, tas umalis na siya, nagmamadali. Pumunta kila Mama. Nung natapos na ko, hawak-hawak ko ung baso ng kape, pumunta na ko kila Mama kasama ko si Mante. Kinakabahan ako, pero hindi parin ako nag-iisip ng kung ano-ano, syempre iniisip ko alam kong hihintayin ako ni Mama.
Pagkarating ko dun. Nasa may malapit pa lang ako sa bahay. Nakita ko na ung mga tsismoso’t tsismosa, sumisilip sa bahay. Iniwan ko na si Mante, bagal kasi niya maglakad eh. Mejo tumatakbo na ko. Pagdating ko sa mismong bahay, nakikita ko ung mga kapit-bahay nagpuputol ng puno, ung mga halaman tinanggal. Ang aliwalas na ng bahay. Akala ko kaya lang sila nag-aayos kasi para sa Pari. Para pagdating maayos na. Nakita ko si Papa saka si Daddy tumutulong dun sa labas. Kaya akala ko, okay pa. Pero andami ng tao sa bahay. Akala ko tinutulungan lang nila sila Tita na mag-ayos. Ung pagppwestuhan nung lamesa nung Pari. Ung mga kelangan ng Pari. Akala ko ganun lang.
Pag pasok ko sa bahay, di ko pa nakikita si Mama, andami kasing kapit-bahay sa loob eh. Nung nakita ko na si Mama, nakahiga lang siya sa sofa. Pag pumupunta naman ako dun dati, ganun lang talaga pwesto niya. Kasi masakit na ata ung katawan niya, di na siya masyado tumatayo. Di ko na pinansin ung ibang na sa loob. Baka kasi nandun lang sila kasi, baka naghihingalo na si Mama. Tas paglapit ko kay Mama. Tinitignan ko ung mata niya… Kung nakadilat pa. Ung tiyan niya… Kung humihinga pa.
Ung mata kasi niya nakadilat pa eh. Pero ung tiyan niya, di na humihinga. Di ko alam, bigla na lang ako umiyak. Ang alam ko lang iniwan na niya ko. Ang alam ko lang di ko na siya naabutan. Ang alam ko lang kailangan kong umiyak. Ang alam ko lang nun kailangan ko ilabas ung sakit. Ang alam ko lang nun kahit sa araw lang na un pwede akong umiyak hangga’t gusto ko. Ang alam ko lang sa araw na un pwede akong umiyak na hindi nakakahiya.
Ung iyak ko, Parang bata na inagawan ng laruan na gustong-gusto ko. Parang ung taong hinihiwa ng walang anesthesia. Parang ung baboy na kinakatay. Ung iyak ko nun, mas matindi pa sa pinagsama-samang iyak ko simula nung bata ako. Ung sakit na naramdaman ko, mas matindi pa kesa nung nadapa ako, nabali ung buto ko, nabato ng bato sa ulo.
Naalala ko lang.
Wala na kong Mama na kasamang uuwi sa Ilocos.
Wala na kong Mama na dahilan ng pag-iipon ko.
Wala na kong Mama na katabi sa bus.
Wala na kong Mama na kasabay maligo.
Wala na kong Mama na sasandok sakin ng kanin.
Wala na kong Mama na magtatanggal ng tutong sa kanin ko.
Wala na kong Mama na kahit wala siyang pera bibigyan niya ko.
Wala na kong Mama na pag walang pagkain sa bahay lulutuan ako.
Wala na kong Mama na magluluto ng masasarap na pagkain.
Wala na kong Mama na magagalit sakin pag sumasagot ako sa matatanda.
Wala na kong Mama na kasama magbingo.
Wala na kong Mama na hindi maliligo sa dagat kasi hindi marunong lumangoy.
Wala na kong Mama pagagalitan pag umiinom sa gabi.
Wala na kong Mama na sasabihan kong “ako naman paborito mong apo eh”.
Wala na si Mama.
Alam kong hindi pa ko okay. At hindi ko alam kung kelan ako magiging okay. Pero kahit maging okay pa ko. Kulang na lagi ang araw ko. Kulang na ung ako. Pakiramdam ko buong buhay ko nawala nung iniwan niya ko. Nawala ung pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ung pinaka importanteng babae sa buhay ko. Pero alam ko naman na magkikita pa kami eh. Hintayin niya lang ako. Sa araw, na ihinga ko na ung huling hinga ko dito sa mundo. Sisimulan ko na siyang hanapin. Kahit sa pinakadulo pa ng kung san parte ng buong mundo o langit o impyerno ko siya hanapin. Alam kong makikita ko siya.
KAYA MAMA! WAIT KA LANG JAN. MAKIKITA MO ULIT UNG PINAKA PABORITO MONG APO!
Pag-aaralan kitang mabuti. Gaganda ka rin! PROMISE! :)

missredaholic:
so-avril:

Yeah guys I’m on roller coaster!!!

Why the hell people so frickin scared to ride this??

Wow, this stuff is quite high too…

Almost the time guys… Woohoo!

Oh boy oh boy oh boy oh boy.. Here it comes!!

Ooohhh ffuuuuuuuuuuuuuuuckk!!!!!!!…

I’m gonna die.. I’m gonnaa dieeee…

Come’on Avril.. It’s done now..

Leave me alone.. To diee..
AWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW KAWAIIIIIIIIIIII I LOVE YOU <3
(via feelingmoganun)